EPEKTIBONGMAMAMAYAN

Ang EM Card ay nakatuon sa pagtulong sa mga komunidad at pagpapalakas ng pagkakaisa, suporta, at kaunlaran para sa bawat pamilya sa buong Pilipinas.

54,258Kabuuang Botante
0Miyembro ng EM Card
0%Rate ng Rehistro
0Bagong Naka-rehistro

Matatag na Komunidad

Pagtatayo ng pagkakaisa at pagpapalakas sa bawat mamamayan.

Sosyal na Suporta

Pagbibigay ng tulong at pinagkukunan sa nangangailangan.

Napapanatiling Pag-unlad

Paglikha ng pangmatagalang solusyon para sa mas magandang kinabukasan.

Pananagutan at Pagiging Bukas

Taguyod ng integridad at pagiging bukas sa bawat aksyon.

Mga Programa ng EM Card

Sa EM Card, aming itinataguyod ang kagalingan at pag-unlad ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng mga makabuluhang programa sa kalusugan, kabuhayan, at serbisyo sa komunidad.

Pangkalahatang Programa

Epektibong Mamamayan Logo

Bayanihan sa Hanap-buhay

Serbisyo Center at EM Pharmacy para sa kabuhayan ng pamilya.

Health Programs

Medical Mission, Libreng Gamot sa Seniors, Libreng Operasyon ng Katarata/Bukol, at Libreng Pag-papagamot sa PGH.

Rescue Unit & Burial

Ambulance, Fire Truck, Community Fire Pump, at Burial Assistance para sa panahon ng sakuna o pangangailangan.

Programa para sa mga Sektor

Mga natatanging programa na nakatuon sa pagpapalakas at suporta sa iba't ibang sektor ng ating komunidad.

Senior Citizen Program
Senior Citizen

Regular na Health Check-up

  • Libreng blood pressure monitoring, blood sugar testing, at konsultasyon
  • Libreng gamot
  • Exercise at Wellness session – simpleng ehersisyo o Zumba
  • Livelihood Training – Pag gawa ng Handicrafts, gardening o iba pang pag kakakitaan
TODA Development Program
TODA

Toda Development Program

  • Leadership Training para sa mga opisyal
  • Organizational Management
  • Gas Subsidy
  • Health Insurance
PWD Rights and Benefits
PWD

PWD's Rights and Benefit Orientation

  • Skills and Livelihood Training
  • Seminar tungkol sa disability awareness at inclusion
  • Information drive laban sa diskriminasyon
  • Pagsusulong ng accessibility sa mga pampublikong lugar
LGBTQIA+ Community
LGBTQIA+

LGBTQIA+ Community Rights and Awareness

  • Karapatang pantao at gender sensitivity
  • Anti-discrimination awareness
  • Gender and development (GAD) orientation
  • Financial literacy seminar
  • Skills development workshops
Youth Program
Youth

Youth Sports and Leadership Program

  • Basketball/Volleyball league
  • Sports tournaments at competitions
  • Leadership training workshops
  • Youth empowerment seminars
  • Pagsasanay para sa mga susunod na pinuno

Mga Paparating na Kaganapan

Ano ang EM Card?

Ang EM Card o Epektibong Mamamayan ay isang Non-Government Organization na nakatuon sa paghihikayat ng aktibong pagkamamamayan, pakikilahok sa komunidad, at makabuluhang pampublikong serbisyo.

Kami ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga tao at aksyon sa komunidad sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tamang impormasyon, pag-oorganisa ng mga aktibidad, pagsubaybay sa mga proyekto, at pakikinig sa opinyon ng publiko.

SerbisyoIntegridadPagiging BukasPananagutan
EM Card Sample ID

Aming Pamunuan

Ang mga taong nangunguna at nagsisilbi sa Epektibong Mamamayan.

Ryan Sarucam - President

Ryan Sarucam

President
Board of Directors
HC

Haidie Castro

Corporate Secretary
BA

Bernabe B. Ariznabareta III

Treasurer
AA

Adler P. Aydante

Trustee
MZ

Marie Jun Ann Zara

Trustee
RA

Randy B. Abanes

Trustee

ANG MISYON AT BISYON NATIN

Misyon

Naglalayong itaguyod ang pagkakaisa, kaunlaran at aktibong pakikilahok ng bawat mamamayan sa paghubog ng isang maayos, makatarungan at progresibong Lipunan.

Layunin nitong palakasin ang kakayahan ng mga komunidad sa pamamagitan ng mga programang pangkabuhayan, edukasyon, at serbisyong panlipunan habang isinusulong ang tapat at mabuting pamamahala, may integridad at malasakit sa kapwa.

Bisyon

Isang pagkakaisa, maunlad at makatarungang Lipunan kung saan ang bawat mamamayan ay may pantay na oportunidad, aktibong nakikilahok sa pamamahala at may kakayahang mag ambag sa patuloy na pag unlad ng buong Pilipinas.

Isinusulong ng kilusan ang mga komunidad na may malasakit, disiplina at nagsisilbing pundasyon ng isang matatag at progresibong kinabukasan para sa lahat.

Subaybayan ang Aplikasyon

Ilagay ang iyong reference number upang makita ang status ng iyong EM Card registration.

Mga Madalas Itanong (FAQs)

Alamin ang higit pa tungkol sa EM Card, mga benepisyo, at paano makilahok.

Ang EM Card (Epektibong Mamamayan) ay naglalayong magbigay ng mas madali at mabilis na akses sa mga pampublikong programa tulad ng libreng gamot, serbisyong medikal, tulong pinansyal, at transportasyon sa oras ng sakuna.

Maaari kayong magrehistro online sa pamamagitan ng pag-click sa 'Get Involved' button sa aming portal, o bumisita sa pinakamalapit na EM Card Community Service Center sa inyong lugar dala ang isang balidong ID.

Walang bayad ang EM Card! Ito ay ganap na libreng serbisyo para sa lahat ng kwalipikadong mamamayan ng komunidad.

Ang lahat ng residente na may sapat na gulang (o mga menor de edad sa pamamagitan ng kanilang magulang/guardian) na naninirahan sa sakop na barangay ay kwalipikadong mag-apply.

Huwag mag-alala! Maaari kayong mag-request ng replacement card sa pamamagitan ng aming Community Service Center o makipag-ugnayan sa amin gamit ang form sa ibaba upang magabayan kayo sa mabilis na pagkuha ng bagong card.

Makipag-ugnayan at Magbigay ng Puna

Magpadala ng mga katanungan, mungkahi, interes na boluntaryo, katanungan sa pakikipagtulungan, o mga alalahanin sa komunidad sa EM Card.

Email: info@emcard.org

Telepono: 0919 818 1245

Tanggapan: 657, Quirino Hi-Way, Bagbag Novaliches, Quezon City